Wednesday, August 11, 2004

Entry No. 2

Pag-ibig --- ano nga bang mayroon ito kung saan karamihan sa atin ay nagpapakatanga kapag ito'y ating nararamdaman? Kaninang umaga ay nilapitan ako ng isa kong kaibigan na babae at sinabinggusto daw niyang magpa-counsel sa akin. Pumayag ako at nakinig sa kuwento niya. gaya ng karamihan sa mga problema ng kabataan ngayon, pag-ibig din ang problema niya. Ayon sa kanya, may nakita siyang lalaki at hinangaan niya ito ng lubusan Halos isang taon na rin ang lumipas buhat ng mangyari iyon. Inakala niyang hindi na niya ito makikita pa.

Tadhana --- mapaglarong tadhana ang muling gumawa ng paraan upang makita niyang muli ito. Pareho pala sila ng paaralang pinapasukan, dito rin pala nagaaral ang lalaki. Sa bawat oras na gustuhin niyang makita ang binata ay natutupad. Hanggang sa hindi nakatiis ang kaibigan ko na siya na ang gumawa ng paraan upang mapalapit sa binata. Nagimbestiga ito, nagtanong-tanong hanggang sa makuha nito ang numero ng lalaki. Sa pamamagitan ng text ay naging magkaibigan ang dalawa at nagpasyang magkita ng personal.
Simula --- sa pagkikita ng dalawa nagumpisa ang mas malalim na pagkakaibigan. Dito, sa pagiging magkaibigan, umasa ang kaibigan ko na baka posibleng maging sila.

Gamitan --- sa pagnanais na mapalapit sa binata ay ginamit niyang tulay ang mga kaibigan ng binata. Lalo kasing nahulog ang kalooban ng babae sabinata.

Nasaktan --- pero hindi lahat ng mga kuwentong pagibig ay masaya ang wakas. Dumadating ang araw na ipinakilala ng binata sa kaibigan ko ang kasintahan niya. Parang biglang gumuho ang mundo niya sa kanyang narinig. Masakit... pero yun ang totoo. Lalo siyang nasaktan sa mga narinig ng kaibigan ko sa mga malalapit na kaibigan din ng binata. Kung anu-ano kasing masasakit na salita ang sinasabi ng binata tungkol sa kanya kapag hindi ito kaharap.


Gustuhin man niyang kamuhian ang binata ay hindi niya magawa, ito ay sa dahilang hanggang ngayon ay mahal pa rin niya ito.


Magbibigay na sana ako ng aking payo pero hindi ko ito nagawa sapagkat papalapit na ang binatang tinutukoy niya. Magpahanggang ngayon ay magkaibigan pa rin silang dalawa at pilit parin niyang itinatago ang lihim na pagmamahal sa binata.


Sa isip-isip ko lang, kung alam lang sana niya na mas masaklap pa ang pinagdaanan kong hirap at sakit sa kinahinatnan ng noon ay masayang pagsasama namin ng aking nobya sa loob ng isa'tkalahating taon at matalik na kaibigan sa loob ng tatlong taon. Kung lam lang nila na sa likod ng mga ngiti at halakhak ay mga pighati, sakit at kalungkutan na tanging ako ang nakakaalam.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home

www.squall-lionhart.tk www.efren-abarientos.tk