LAHAT SA BUHAY KO
Kulang ang bawat sandali
kung di kapiling ka,
bakit ba sa pag-iisa
hanap-hanap kita
Ayokong mangyari na
sa piling ko'y mawalay ka,
ikaw lang palagi at
wala na ngang iba
Ang puso ko,
ang isip ko,
ang buhay ko'y para sa 'yo,
at hindi kailan man ako'y sa 'yoy magbabago,
maglalaho itong mundo
ngunit di ang pag-ibig ko,
ganyan ka kamahal,
ang siyang lahat sa buhay ko
Hindi ako nangangamba
basta't kasama ka
at lagi ay nadarama
init ng pagsinta
Ayokong mangyari na
sa piling ko'y mawalay ka,
Ikaw lang palagi at
wala na ngang iba
Ang puso ko,
ang isip ko,
ang buhay ko'y para sa 'yo,
at hindi kailan man ako'y sa 'yoy magbabago,
maglalaho itong mundo
ngunit di ang pag-ibig ko,
ganyan ka kamahal,
ang siyang lahat sa buhay ko
Hindi ko kailangan
kahit na anong yaman sa mundo,
hiling ko lamang
habang buhay ay ikaw at ako
walang saysay
ang pag-ibig kung iiwanan mo,
nais ko'y ikaw lang dito sa aking mundo
ang sa t'wina ay kayakap ko
Ang puso ko,
ang isip ko,
ang buhay ko'y para sa 'yo,
at hindi kailan man ako'y sa 'yoy magbabago,
maglalaho itong mundo
ngunit di ang pag-ibig ko,
ganyan ka kamahal,
ang siyang lahat sa buhay ko
0 Comments:
Post a Comment
<< Home