What if LOSER and lover mo?
What if sour loser ang lover mo? I mean yung tipong JOLOGS kasama, yung tipong TANGA, yung tipong MAHIRAP pa sa daga, yung tipong NAGTAGO nung maghasik ng kaguwapuhan at kagandahan ang Diyos sa mundo... what if... what if... Lover mo ang tinutukoy ko? Ano ba ang gagawin mo? Kung may lover kang ganyan, pero what if nililigawan ka pa lang niya o nililigawan (A/N may lalaki pa bang nanliligaw sa loser?) mo pa lang?
Isa-isahin natin ang mga facts about this one...
BOBONG LOVER
Bobo not to the sense na mahina siya sa Math, Science or other subject but bopols to the sense na walang kalatuy’latuy na kasama, walang sense of humor, boring kasama… yung parang uto-uto… well mga kapatid, ganito yan, you should not judge them kasi walang bobong tao… kung sakaling “ganun” man ang lover mo, then I think you should encourage him/her to work for it… I mean, yung maging updated naman sa mga happenings sa mundo kasi malay mo, ang pagkakaalam pa rin nung boy/girl eh si Diosdado Macapagal pa rin ang pangulo porket Macapagal din si GMA… kung talagang mahal ka nung tao, give him/her a chance to prevail over that connotation… all you have to do is give them some space…
POOR LOVER
Poor, yung pagnagdidate kayo eh pinaglalakad ka, pinapasakay sa PADYAK, or even sa kalesa, or worst, sa kotse niyang panahon pa ng hapon… o baka iniisip mo kung may maipapakain ba siya sa iyo? Maalagaan ka ba niya? Kapatid, kung mahirap man siya, at kung sakaling maging kayo nga, huwag mong isisi sa kanya kung maghirap man kayo in the future, you two shoul help each other na makaahon sa kahirapan… tandaan mo na ang lahat ay parang gulong ng buhay… malay mo, three years from now eh manalo siya sa LOTTO!?!
PANGIT NA LOVER
And so kung pangit siya? Haller, pede na yang iparetoke kay VICKY BELO noh!?!?!?! And you should be thankful kung pangit siya kasi kahit paano eh sigurado kang tapat siyang magmahal, bakit ko yun nasabi, ganito yun, (1) sino ba naman ang magtitiyaga sa taong pangit kungdi ikaw lang, (2)Wala kang kaagaw (3) Hindi mangangahas na mag two timer or three timer (kung may pumatol) kasi pag nalaman mo, siyempre hihiwalayan mo, so result nun eh GOODBYE LOVELIFE!!! Ehehehe!!!!
But seriously, my friends, ganito kasi yan… once your in a relationship, as I’ve said from my previous Bulletin, you should not expect for the best but rather expect for the worst from it… Don’t make any standards in love ‘cause if you do, then you’ll find it hard to find the right person for you… I mean, nobody’s perfect… lahat tayo ay may mga pagkukulang, kung hindi man sa yaman, katalinuhan or even sa kagandahan/kakisigan… I think you should ask yourself kung ano ba talaga ang hinahanap mo, Boyfriend/Girlfriend o “ACCESSORIES”?
Another thing, in this case, kalimutan mo ang pagiging open mo sa lahat ng bagay na nakikita mo, kasi baka nakakalimutan mo nang TUMINGIN SA SALAMIN… bakit, matalino ka ba? Guwapo/maganda ka ba? Mayaman ka ba? Then why judge them?
And once you fall in love, dapat tanungin mo sarili mo, “Mahal ko ba ang taong ito dahil kailangan ko, o kailngan ko ito kaya mahal ko?” Kung masagot mo na ito, then it’s the time to tell yourself that you really fell in love…
Squall Leonhart
Comments are welcome...

0 Comments:
Post a Comment
<< Home