Friday, April 16, 2004

NASAAN KA KAIBIGAN

Matagal na panahon tayo'y magkasama
Sa dusa at lungkot tayo'y magkasalo
Problema ko'y mo
Ligaya ko'y ligaya mo.

Isang araw noon, sulirani'y dumatal
Di mo ako iniwan, ikaw ay naging karamay
Luhako'y tumatagis lalo mo akong minahal
Kaya't nasabi kong tunay ka ngang kaibigan.

Sa pagsisimba tayo'y magkasama
Sa pagkain sa labas, magkahati tayo di ba?
Sa paaralan hanggang sa simbahan
Di tayo naghihiwalay, magkasama tuwina

Salot na sakit ang sa iyo'y dumapo
Lungkot at takot siyang nadama ko
Gamot at pera, pampahaba ng buhay
Kulang sa dalawang taon, ako'y nilisan mo.

Kay sakit kaibigan ating kapalaran,
Di ka talaga maalis sa aking isipan.
Hanggang ngayon laman ka ng isip ko,
Aywan kung ito'y makakaya ko.

Kay sakit talagang maiwan ng kaibigan
Lalo na't mahbang taon ang pinagsamahan
Magkapatid, siya nating turingan
Awayan at inggitan, wala sa ating talatinigan.

Siguro nga'y dapat mo na akong iwan
Naging ganito ako sa tulong mo, kaibigan.
Kaya ko nang tumayo, ako'y tinuruan
Ng mapagpala mong kamay, mahal na kaibigan.

Asahan mo kaylan man, di kita malilimutan
Naging bahagi ka ng aking buhay
Ang tangi kong pakiusap, kaibigan
Sanay natnggap na ang itinakdang kapalaran

Maging maligaya ka sa iyong kinaroroonan...

www.squall-lionhart.tk www.efren-abarientos.tk