Friends forever?!?!?!
Friends forever?!?!?!
Somebody to lean on - ganito mo ba itinuturing ang isang kaibigan bilang bahagi ng buhay mo?
Isa sa pinakamahalagang aspeto ng pamumuhay, ang pakikipagkaibigan ay masasabing likas sa bawal nilalang. Sabi nga, no man is an island - kaya naman isang automatic tendency na ng bawat tao ang makipag-ugnayan at makisama sa kapwa bilang parte ng kanilang survival. At dito sumisibol ang iba't ibang antas ng pakikipagkaibigan mula sa pinakamababaw hanggang sa pinakamalalim na ika nga'y pinanday na ng panahon.
Para sa atin, ang friendship ay katumbas ng pag-uukol ng panahon na makasama ang isang tao - sa panonood ng sine, sa mga gimiks, pakikinig ng music, at kung anu-ano pa. Sa school, karaniwan ang pagkabuo ng iba't ibang grupo kahit sa unang araw pa lamang ng pasukan.
Hindi birong panahon at emosyon ang ginugugol natin sa ngalan ng pakikipagkaibigan kaya naman habang maaga pa'y dapat nating maunawaan ang tunay na kahulugan ng natatanging investment na ito sa ating buhay.
For some, friends are those we have in times of trials in life. Anila'y masarap isipin na may mga taong nariyan lang sa tabi natin na handang tumulong at umalalay, magpalakas ng loob at magsabing "you can do it" kahit alam nating hindi na.
But still, kahit sa panahon ng tuwa at pagwawagi, marami ang nakadarama ng kalungkutan kapag wala ni isang kaibigan kung kanino puwedeng ibahangi ang ating kagalakan. Mas lalo na siguro sa mga panahong hindi mo na alam ang iyong gagawin dahil sa hirap ng problema at sa matinding kalungkutan, wala ni isang kaibigan na magpapagaan ng loob mo. Bukod sa mga kapamilya o kaya'y minamahal, minsa'y mga kaibigan ang lubos na kumukumpleto sa diwa ng tagumpay at pumapawi ng matinding kalungkutan.
In good times or in bad, hindi namimili ng panahon kung kailan dapat maipadama ang pagiging kaibigan. Gayunman, ang naging sukatan ng pagiging isang tunay na kaibigan ay ang kakayahang manatili o hindi bumitaw sa panahon ng kagipitan, sa mga sitwasyong halos ang isa'y wala nang makakapitan.
Sa ngalan ng TRUE FRIENDSHIP, hindi isyu ang kalagayan sa buhay, ang kulay ng balat, sexuality and even the level of education we have and some other. Dahil bahagi nito ang pagtuklas hindi lamang sa sarili kundi sa katauhan ng kapwa. And it impliedly comes with acceptance. Tanggap natin ang sitwasyon ng ating kaibigan. Tanggap natin ang mga magaganda at kahit mga pangit na ugali nito. Its a package, ika nga. Sa pakikitungo sa iba, nagkakaroon ng realisasyon sa sarili. Kung ano ang wala ka, sa isang kaibigan ay maari mo itong makita. Kung ano ang mahalaga sa iyo, maaaring sa kanya ay walang kuwenta. Sa madaling sabi, ang katauhan ng isang kaibigan ay maaaring maging ekstensyon at repleksyon ng sariling pagkatao. With this, we tend to know more ourselves. Nagkakaroon ng kakayahang maghatid ng pagbabago at sa kabilang banda ay magbago ayon sa impluwensya ng iba.
Gayunman, may kasabihan din na Birds of the same feather flock together. Kaya bihira ang magkaibigan namayaman at mahirap, o kaya'y nasa baliktad na estado ng pisikal na kaanyuan. Mas madalas, pareho ang hilig nila, ang taste sa pananamit, and even views in life.
Sinuman ay maaaring makapasok sa buhay natin bilang kaibigan. At ito'y isang mahalagang karanasan bilang tao. Pero mag-ingat ka sa pagpili ng taong kakaibiganin. Dahil hindi mo alam, baka sa halip na ika'y pasayahin, sila pa ang maging dahilan ng iyong matinding kalungkutan.