Tuesday, November 30, 2004

She had her first child...

While walking around the main streets of Naga, I bumped into this girl that when I stared at her... I immediately recognized her... she was part of my past... a past that I never had imagined that would come back... She was my first love... Silly isnt it? Well okay, I was naive by then and for me, it was just all for fun... I mean, we've met thru SMS... so nothing serious about it... as I've said, just for fun... but then again, is it really?

For about few months of being into a relationship with her, life seems to be perfect... we enjoy each others company especially her company... I was hoping by then that this would be "it"... but I was wrong... She fell out of love for me and fell in love with my classmate whom she met when she watch a play in our school... we lost communication and by that day on... we broke up... not because she dumped me... but because she needs time to understand her feelings for me and my classmate... but still, we broke up... She picked neither of us... she resasoned that she's not ready for a relationship yet... after all, were too young...

But today is different... I saw her with another man... cuddling her child... she was married already... well... at an early age... of course... but that was it... we exchanged smiles and hello... I even greeted her husband(?) and shook his hand... as we bid our farewells, I started to realize one thing... maybe it wasn't meant to be YOU and me... maybe God forsee's this... or even planned this... at least you were able to have a child as beautiful as Mary...

Well... maybe... its not the right time for me to be in a relationship... maybe... just maybe... someday... I'll bumped into another girl... and who knows... she might be the one for me...

Saturday, November 27, 2004

ang saya ko part 2

okay... ipagpatuloy ang kuwento... so nag date nga kami... well. if you can call that as a date... so November 26, 2004 came... kabado ako and at the same time eh excited na rin... so i texted her kung tuloy kami... then sabi niya... okay lang daw... so hinanap ko na siya kung asan siya...

Ang Saya ko naman ngayon!!!

Okay, hindi ko maexplain ang feeling... maybe its because I'm starting to feel the feeling that I can't explain... get's mo? Well, okay I'll explain further... I met this girl... actually, nakaCHAT ko itong isang girl... and noon ko pa siya nakikita... actually dito sa place na paminsan minsan kong tinatambayan tuwing maisipan kong mag net surfing... then sabi ko noon sa sarili ko, "wow, cute siya..." hehehehehe... then tinopak ako, parang gusto ko siyang maka chat kaya naman gusto kong makita ang yahoo id niya para maka chat ko siya sooner or later... pero sabi ko sa sarili ko, bakamakahalata na tinitingnan ko ang screen ng monitor niya... baka mainis siya sa akin... kaya sabi ko, sayang...

then one time habang nagchachat ako sa isang chat room... naghanap ako ng mga uncean and there came this IRIS CUTE na name... uncean daw siya... kaya yun, nakit chat me sa kanya... and kung talaga nga namang sinuswerte ka... siya rin pala yung nakita ko dun sa internet shoppe... as in... were meant to each other ang drama... hehehehe...

kaya hayun... chat chat kami... then hiningi ko sa kanya ang friendster account niya... then talagang kinapalan ko na ang face ko... well... sige na nga... MAS kinapalan ko na ang mukha ko... tinanong ko siya kung ano ang cellphone number niya... kala ko hindi niya ibibigay kasi ang tagal niyang mag type... sabi ko... baka ayaw niya akong ka chat or baka ayaw niya sakin ibigay ang number niya... isasara ko na sana ang yahoo messenger nang mag pm siya sa akin... "OMG!"... sabi ko... binigay niya ang number ko... and hiningi din niya ang number ko... so binigay ko naman agad... then nagpapaalam na siya kasi uuwi na daw siya...

pagkauwi ko, text ko naman agad siya... ahem... sumagot naman... kaya hayun... text naman kami ngayon... text dito... text doon... then few days passed nagchat naman kami... doon ko na sinabi na crush ko siya... na noon pa eh gusto ko nang malaman ang yahoo id niya para mas makilala ko siya... sabi niya... nagjojoke joke joke lang daw ako... sabi ko... I'm serious sa mga pinagsasabi ko... so iyon na nga... tinanong ko na siya kung may bf na siya... sabi niya, wala pa daw... sa isip-isip ko lang... YES!!!... hehehehehe... and then tinanong ko siya kung may nanliligaw na sa kanya... sabi naman niya... ewan lang daw niya kung nanliligaw na iyon... AY... MAY NAUNA NA PALA SA AKIN... :-( ... pero okay lang hindi ako magpapatalo... hehehehe... kaya hayun... niyaya ko siya makipag date... kinabahan nga ako nun kasi baka magalait o tumanggi... but you know what... pumayag siya... kaya yes... I can finally have the chance to know her more... but then may natanong siya sa akin kung kilala ko daw si Gino Montaña... sabi ko... Oo... tinanong ko siya kung bakit... pinsan pala niya si Gino... hay salamat... kala ko kung siya na yung tinutukoy niya...

so back to the date... niayaya ko siya... sabi ko sa kanya... date tayo ng Friday (Nov. 26, 2004)... okay lang daw... sabi ko around 5 pm... okay lang daw... sabi ko... this is it... this is realy is it...

to be continued...

Thursday, November 25, 2004

BARBIE DOLL by Shloi and Squall

Simula elementarya ay matalik na magkaibigan na sina Gino at Joan. Halos hindi sila
mapaghiwalay ng mga guro nila kung kaya’t napagpasyahan nilang gawin na lamang silang
magkaklase. Pero napaghiwalay din ang mga ito ng tumuntong ng high school. Pero ganoon
paman, hindi parin nagbago ang tinginan nito sa isat-isa.

Pero gaya ng ibang magkaibigan, madalas ay mag-away ang mga ito kahit sa napakaliit na
dahilan. Nandiyan na ang pinag-tatalunan nila ang kulay ng bolpen, design ng notebook, kulay
ng bag, bagay na damit sa isa at kung anu-ano pa. Madalas, ay buong araw itong nag-aaway.
Tulad na lang ng minsan itong magtalo kung ano ang papanoorin sa T.V. Gusto ni Joan ng It
Might Be You pero gusto naman ni Gino ay NBA. Kaya naman madalas magtatampo (kunwari)
si Joan kay Gino at iiwan ito ng mag-isa. Ito namang si Gino, maaawa kaya naman pag-bibigyan
ang gusto ni Joan.

Dumating ang araw ng kanilang Prom. Dito ay palaging magkatabi sina Joan at Gino. Minsan, ng
yayain ni Gino si Joan na sumayaw, may ipinagtapat ang kaibigan kay Joan. "Joan, I like you!"
pabulong nitong sinabi. "Ha? Wag ka ngang magbiro ng ganyan!" tugon ni Joan. "No, honestly,
I really like you!" "Ewan ko sa iyo, Gino." "By the way, para sa iyo." May ibinigay si Gino sa
kaibigan na regalo. "Ano ito? At para saan naman?" taka ni Joan. "Basta pag-uwi mo mamaya,
pag nasa bahay ka na saka mo yan buksan" hindi na kumibo pa si Joan. Pagkauwi ay agad nitong
binuksan ang regalo at isang Barbie Doll ang laman nito. Tuwang tuwa naman ito sa natanggap
niyang regalo mula sa kaibigan.

Kinabukasan, mas lalong naging maalalahanin si Gino kay Joan. Napag-isip-isip tuloy ni Joan na
talagang seryoso si Gino sa kanyang sinabi. Pero, bakit hindi man lang nito nagawang sabihan
siya ng "I love you"? Halos araw-araw ay binibigyan ni Gino si Joan ng Barbie Doll pero ni
isang I love you ay wala pa rin itong nasasabi. Dahil dito ay naiinis si Joan sa kaibigan.
Iniiwasan na niya ito at kung magkasalubong man ay hindi pinapansin. Hanggang dumating ang
isang araw, ng makita nito si Gino na may-kasamang ibang babae palabas ng simbahan. Sa sama
ng loob, tumakbo si Joan papalayo sa kaibigan. Lingid sa kanya, nakita pala siya ni Gino at pilit
na hinabol ngunit hindi inabutan.

Sa bahay ay tinitingnan na lamang ni Joan ang mga laruan na ibinigay ng kaibigan (na halos
umabot na sa isang daan sa dami) habang umiiyak. Sa totoo lang, minahal na rin niya ang
kaibigan.

Kinabukasan habang papauwi si Joan ay hinabol ito ni Gino. Nang maabutan, "Joan, kausapin mo
naman ako." ang sabi ni Gino. "Para saan pa? Ang lakas ng loob mong sabihin sa aking 'You
like me' but you cant even say the words 'I love you'!" "Kahit hindi ko iyon masabi, hayaan
mong itong Barbie Doll na ito ang magpatunay ng nararamdaman ko para sa iyo." Binigay ni
Gino ang laruan pero tinapik lamang ito ni Joan at tumilapon sa kalsada. "Hindi ko kailangan
ang mga laruan!" wika ni Joan. Tumalikod ito at nagpatuloy sa paglalakad ng may marinig itong
sigawan at tunog ng sasakyang nakabangga. "Diyos ko yung bata, nasagasaan!!" sigaw ng isang
matandang babae. Nagsitakbuhan ang mga tao sa paligid ng isang nakahilatang tao sa gitna ng
kalsada. Si Joan ay tinungo rin ito upang Makita kung sino ang nakahilata. Sa laking gulat ay
nakita niya ang kamay ng isang tao na may hawak na Barbie Doll at may bahid ng dugo. Pilit
siyang pumasok sa kumpul-kumpol na mga tao at dito niya nakilala ang nakahilata. Si Gino,
hawak-hawak ang laruan na tumilapon sa kalsada. Kinuha niya ito para ibigay sa kaibigan.

Iyak ng iyak si Joan sa nangyari sa kaibigan. Sinisisi niya ang kanyang sarili sa pagkamatay ng
kanyang kaibigan at minamahal. Kinuha niya lahat ng mga laruang binigay sa kanya ni Gino at
niyakap ang mga ito. Sa pag-yakap niya ay narinig niya ang boses ni Gino na nagsasabing, "I
LOVE YOU, JOAN!!" Inulit niya ang pag-yakap sa mga laruan at muli ay narinig niya si Gino
na nagsasabing, "I LOVE YOU, JOAN!!" inisa-isa niya lahat ng mga Barbie Dolls at dito niya
natuklasan kung bakit palagi siyang binibigyan ni Gino ng Barbie Dolls. Sa bawat laruan ay "I
love you, Joan!" "Mahal kita, Joan!" "I love you 'cause you're my life" ang kanyang naririnig.

Naalala niya ang huling laruan na ibinigay sa kanya ni Gino. Buhat sa kanyang aparador ay
kinuha niya ang isang Barbie Doll na may bahid ng dugo ng tao at niyakap niya ito ng mahigpit.
Dito, iba ang kanyang narinig. "Joan, sorry kung may mga nagawa man akong kasalanan sa iyo.
Tungkol doon sa nakita mo nung linggo, si Ate Anna ang kasama ko noon. Pinsan ko na galing
ibang bansa. Ito lang ang gusto kong malaman mo, ikaw lang ang pinakamamahal ko at kung
hindi ko man nagagawang sabihin sa iyo na mahal kita, pangako, mula sa araw na ito, ako na
mismo ang magsasabi sa iyo na mahal na mahal kita. Sana mapatawad mo ako." lalong napaiyak
si Joan sa kanyang narinig. Natandaan niya ang huli nitong sinabi sa kanya, "Kahit hindi ko iyon
masabi, hayaan mong itong Barbie Doll na ito ang magpatunay ng nararamdaman ko para sa
iyo."

Kaya pala palagi siyang binibigayn ni Gino ng manika. Kaya pala ganoon na lang kahalaga ang huling manika para kay Gino. Kaya pala… kaya pala…

www.squall-lionhart.tk www.efren-abarientos.tk